Home METRO 3 patay sa pamamaril sa kasalan sa Isabela

3 patay sa pamamaril sa kasalan sa Isabela

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang indibidwal matapos magpaulan ng bala ng baril ang isang lalaki sa kasalan sa Purok 6, Barangay Centro San Antonio, Ilagan, Isabela, madaling araw ng Sabado, Oktubre 19.

Kinilala ni Police Lt. Col. Jeffrey D. Raposas ang suspek na si Arnel Bielgo, 49.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Bielgo na bigla na lamang lumitaw sa venue ng kasalan ang suspek saka binarily ang magsasakang si Charlie Rosete, 49, gamit ang kalibre .38 na revolver.

Tumakas ang suspek ngunit hinabol siya ng mga residente.

Dito naman nagpaputok ang suspek sa mga humabol sa kanya saka tinamaan ang isa pang lalaki na kinilalang si Marvin Jake Coloma, 23.

Gumanti ang mga residente at nagpaulan ng bato sa suspek na namatay din on the spot dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

Dinala sa ospital si Rosete at Coloma ngunit idineklara ring patay.

Narekober ng mga awtoridad ang tatlong bala ng baril at tatlong empty shells sa crime scene.

Nagpapatuloy ang follow-up investigation sa insidente. RNT/JGC