Home METRO 3 personalidad na sangkot sa droga, arestado sa Valenzuela

3 personalidad na sangkot sa droga, arestado sa Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operation sa Valenzuela City.

Nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Valenzuela Police Sub-Station 1 nang maaktuhan nila ang tatlong individuals na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ sa M. Gregorio St., Bypass Road, Brgy., Canumay West dakong alas-8:30 ng gabi.

Nakumpiska sa kanila ang bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano sa construction worker na si alyas “Bonjing”, 57.

Nauna rito, alas-6 ng gabi nang maaresto naman ng mga operatiba ng Police Sub-Station 7 si alyas “Atan”, 55, makaraang maaktuhan na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang Unit ng Disiplina Village sa Brgy., Bignay.

Pinosasan naman ng mga operatiba ng Police Sub-Station 2 si alyas “Jomar”, 32, nang maaktuhan na sumisinghot din umano ng shabu sa tabi ng isang bahay sa B. Lower Tibagan, Brgy., Gen. T De Leon pasado alas-8:30 ng gabi.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong illegal na pagsusugal ang kakaharapin ni ‘Bonjing’. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here