Home METRO 3 sanggang-dikit, nagbenta ng tobats para may pang-date, tiklo

3 sanggang-dikit, nagbenta ng tobats para may pang-date, tiklo

177
0

BATAAN, Philippines – Sa loob ng bilangguan magdiriwang ng Araw ng mga Puso ang tatlong drug suspek na pawang mga magkababata, sanggang-dikit at magka-tropa matapos masakote ang mga ito ng mga awtoridad ng magside line ang mga suspek na magbenta ng shabu na para sana pang-date sa kanilang mga nobya sa Valentine’s day na napurnada, dahil sa ikinasang buybust operation ng Pulisya sa isang abandonadong bahay sa Barangay Sto.Niño, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col Bjorn John Labos kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Sander Pord”, 21 anyos na target sa operasyon at mga kabarkada at kababata na kasabwat umano nito na sina alyas ” Eric” at “Jon”, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Nadakip ang mga suspek na magkakasabwat umano sa pagbebenta ng shabu sa police poseur buyer.

Nagbaka sakali daw ang mga suspek na makakuha ng pang-date sa kanilang mga nobya sa Valentine’s day, pero napurnada ang kanilang plano ng matiyempuhan sila sa operasyon ng mga pulis.

Nabisto din sa operasyon ang ginawang pwestuhan sa paggamit ng iligal na droga sa abandonadong bahay na pag-aari ng pamilya ng isa sa mga suspek, kung saan nagkalat ang basurang pinaggamitan.

Narekober sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na higit limang (5.2 grams) gramo na may standard drug price na higit P35,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Kahaharapin ng magkakaibigang suspek ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law.(ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here