ENRILE, Cagayan – Huli sa aktong nagtotong-it ang tatlong sugarol sa isang residential house sa bahagi ng Zone 1, Roma Norte Enrile, Cagayan.
Hindi na nakapalag ng maaktuhan ng pulisya sina Jona, 30 anyos, Pamela, 37 anyos at Mia, 23 anyos pawang mga residente sa nasabing lugar.
Nasamsam sa nasabing operasyon ang patayang (bet money) na umaabot ng P894 at isang set ng baraha.
Depensa naman ng mga nahuhuli pampalipas oras lang daw nila ang pagsusugal.
Nahaharap ang tatlo suspek sa kasong paglabag sa RA 9287 o Illegal Gambling Law.
Samantala, una nang nagbabala si PMaj. Harold Ocfemia, hepe ng Enrile Police Station sa mga sugarol na wala silang sasantuhin sa kampanya laban sa illegal na sugal sa kanilang area of responsibility. REY VELASCO