Home METRO 3 sugatan sa banggaan ng ambulansya, PUJ sa Makati

3 sugatan sa banggaan ng ambulansya, PUJ sa Makati

251
0

MAKATI CITY, Philippines – Tatlong indibidwal ang nasugatan sa banggaan ng ambulansya at isang public utility jeepney (PUJ) sa kanto ng Gil Puyat at Chino Roces Avenue, Makati City noong Linggo ng umaga, Disyembre 7.

Ayon sa paunang ulat, kabilang sa mga nasugatan ang driver ng jeepney, isang medtech, at isang bystander.

Dahil sa aksidente, nasira ang harap ng ambulansya at likod ng jeepney, na umikot at nabangga.

Noong bandang alas-10 ng umaga, nakarating na sa lugar ang Makati City Police, Makati Public Safety Department, at Makati Disaster Risk Reduction and Management Office upang tugunan ang insidente.

Wala pang detalyeng inilabas ang mga awtoridad habang patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here