Home HOME BANNER STORY 3 suspek sa TNVS slay, sumuko kay yorme

3 suspek sa TNVS slay, sumuko kay yorme

269
0

MANILA, Philippines – Sumuko na sa mga awtoridad nitong Lunes ang tatlong suspek sa pagpatay at pagnanakaw kay TNVS driver Raymond Cabrera sa Parañaque City noong Mayo.

Dahil natakot sa kanilang kaligtasan matapos mabunyag ang kanilang pagkakakilanlan, nakipag-ugnayan ang mga pamilya ng suspek sa mga lokal na opisyal at kay Manila Mayor Isko Moreno upang maisaayos ang pagsuko.

Ipinahayag ni Moreno ang pasasalamat na may pag-usad ang kaso at nakikiramay sa pamilya ng biktima.

Kasulukuyan nang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek, ngunit hindi pa nila isiniwalat kung saan itinapon ang bangkay ng biktima. Isang suspek ang nagsabing aksidente ang nangyari at ipapaliwanag na lamang ito sa NBI.

Nakuha si Cabrera ng mga suspek noong Mayo 18 sa Parañaque, ngunit hindi na nakarating ang sasakyan sa destinasyong Molino, Cavite.

Ipinakita ng dashcam audio na tinusok si Cabrera at hindi na siya ang nagmamaneho. Nakuha rin ng CCTV ang mga suspek na bumababa sa ninakaw na sasakyan sa Valenzuela City noong hapon ng parehong araw.

Patuloy na hinahanap ng pamilya ng biktima ang kanyang katawan upang mabigyan ng maayos na libing. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here