Home METRO 3 tiklo sa buy-bust sa Pasay; ‘tobats’, ‘bakal’ nasamsam

3 tiklo sa buy-bust sa Pasay; ‘tobats’, ‘bakal’ nasamsam

1
0
📸 Eric Ocapan

PASAY CITY — Arestado ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at baril sa buy-bust operation ng Pasay City Police nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Pasay City Police chief P/Col. Joselito De Sesto ang mga suspek sa mga alyas Cholo, 22; Elvis, 58; at Beka, 20, pawang residente ng Barangay 144, Zone 17.

📸 Eric Ocapan

Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ang operasyon dakong alas-1:30 ng madaling araw sa naturang barangay.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 4.7 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P31,960.

Narekober din ang isang coin purse, P500 buy-bust money, isang kalibre .38 revolver na walang serial number at limang bala.

Dinala ang mga suspek sa SDEU para sa dokumentasyon habang isusumite sa SPD Forensic Unit ang nakumpiskang droga, baril at mga bala para sa pagsusuri.

Inihahanda na ang mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa mga suspek para sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office. James Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here