Home NATIONWIDE 3 tiklo sa P163.2M shabu sa Quezon

3 tiklo sa P163.2M shabu sa Quezon

256
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek kasabay ng pagkakakumpiska ng P163.2 milyon ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Candelaria, Quezon nitong Biyernes, Oktubre 10.

Ang buy-bust operation ay isinagawa sa Purok 2 sa Barangay Masin Norte ng mga operatiba mula sa PDEA Regional Office–National Capital Region kasama ang PDEA Regional Office 4A, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Candelaria Police Station.

Tumitimbang ang mga nakumpiskang shabu ng nasa 25 kilo. Ang mga ito ay inilagay sa vacuum-sealed plastic packs.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jack”, 42, magsasaka mula sa Zamboanga City; alyas “Nor”, 31, magsasaka mula sa Zamboanga City; at alyas “Anor”, 43, tricycle driver mula North Cotabato.

Narekober ng mga awtoridad ang buy-bust money, itim na Toyota Fortuner, dalawang analog phones, isang Android phone, at iba’t ibang identification ccards.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 (Selling of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act No. 9165. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here