Home METRO 3 todas, 1 sugatan sa salpukan ng motorsiklo

3 todas, 1 sugatan sa salpukan ng motorsiklo

Bulacan – Patay ang tatlong hindi nakilalang kabataan habang isa ang nasugatan sa salpukan ng motorsiklo sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Sa Facebook post na nag-viral, nakitang wakwak ang tiyan ng isa sa lalaking rider habang katabi ang isa pang lalaki at babae na duguang nakahandusay sa kalsada.

Ayon sa naturang post, nangyari ang insidente kamakalawa ng hating gabi sa Vilma, Sampol Market, SJDM.

Nabatid na wakwak ang tiyan ng rider matapos sumabit sa matalas na bagay habang katabi ang dalawa pang duguan ang mga ulo na nakahandusay at isang sugatang babae ang umanoy isinugod sa ospital para sa paunang lunas.

Payo ng post, mag-ingat sa pagmamaneho lalo na ang mga kabataan at tiyakin ng mga magulang na ang kanilang mga anak na nasa bahay na sa dis oras ng gabi. Dick Mirasol III

Previous articleOlympics target ni Pinoy world surfing champ
Next articleAlex Eala yukod kay Kudermetova sa Indian semis