Home METRO 3 tulak timbog sa P’que buy-bust ops

3 tulak timbog sa P’que buy-bust ops

200
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police ang tatlong di-umanoý tulak ng ilegal na droga na nakumpiskahan ng 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱816,000 Biyernes ng umaga, Marso 13.

Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo ay kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Angelo, 23, residente ng Habaay, Bacoor, Cavite; Alyas Ronaldo, 23, at isang alyas Raymond, 25, kapwa residente ng Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Parañaque City police, napag-alaman na naganap ang pag-aresto sa mga suspek bandang ala 1:03 ng madaling araw sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Naikasa ng SDEU ang operasyon nang maging poseur-buyer ang isa sa mga operatiba at ng maiabot na ng suspek ang shabu ay agad na sinunggaban ang mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang ilang sachet na may timbang na 120 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱816,000 kabilang ang isang itim na sling bag, mobile phone, at ang ₱1,000 marked buy-bust money na kasama ng boodle money na ginamit sa naturang operasyon.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic unti para isailalim sa laboratory examination habang kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

“This successful operation shows the strong coordination and dedication of our personnel in the fight against illegal drugs. The Southern Police District will continue to intensify its efforts to protect our communities and combat the illegal drug trade,” ani Arceo. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here