MANILA, Philippines – Dalawang vintage bomb na ang nahukay sa loob ng UP College of Medicine sa Maynila.
Bukod dito, nahukay din ang isang Japanese grenade sa ground floor ng Salcedo Hall ng nasabing unibersidad, ayon sa post ng official publication ng Unibersidad— The Manila Collegian.
Ayon sa mga awtoridad, ang nasabing bomba ay maaaring ginamit noong World War II.
Nasa pag-iingat na ng Manila Police District – District Explosive and Canine Unit ang nadiskubreng pampasabog ng mga kontraktor na gumagawa ng gusali sa unibersidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden