MANILA, Philippines – Maulang Bisperas ng Bagong Taon ang maaaring maranasan ng ilang lugar sa bansa dahil sa tatlong weather system.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm ang Catanduanes dahil sa shear line.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms naman ang mararanasan sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, at nalalabing bahagi ng Bicol Region dahil sa easterlies.
Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon. RNT/JGC