MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pope Francis ang isang bagong tatlong taong proseso upang isaalang-alang ang mga reporma para sa pandaigdigang Simbahang Katoliko, sinabi ng Vatican noong Sabado sa isang senyales na magpatuloy bilang Papa sa kabila ng kanyang patuloy na pakikipaglaban sa double pneumonia.
Pinalawig ni Francis ang gawain ng Synod of Bishops, isang signature initiative ng kanyang 12-year papacy, na tumatalakay sa mga reporma gaya ng posibilidad ng mga kababihan na maglingkod bilang mga Catholic deacon at mas mabuting pagsasama ng mga LGBTQ sa Simbahan.
Ang synod na nagsagawa ng isang hindi tiyak na Vatican summit ng mga Obispo sa hinaharap ng Simbahan noong Oktubre ay magsasagawa na ngayon ng mga konsultasyon sa mga Katoliko sa buong mundo sa susunod na tatlong taon, bago mag-host ng bagong summit sa 2028.
Inaprubahan ng Papa ang bagong proseso para sa reporma noong Martes mula sa Rome Gemelli hospital, ayon sa Vatican.
Matapos ang huling summit noong Oktubre, na hindi nagbunga ng konkretong aksyon sa mga posibleng reporma, si Francis ay nahaharap sa mga katanungan kung ang kanyang Papacy ay nawawalan na ng ‘steam.’
Sinabi ng Vatican noong panahon na isinaalang-alang ni Francis ang mga pagbabago sa hinaharap, at naghihintay na makatanggap ng serye ng 10 inaasahang ulat tungkol sa mga posibleng reporma ngayong Hunyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden