MANILA, Philippines – Nasagip ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) ang 30 pasahero mula sa wooden-hulled vessel na naistranded sa Turtle Islands sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr., WMNC commander, ang mga pasahero ay sakay ng M/L Nurdia, na nakaranas ng engine failure dahil sa nasirang rudder bandang 9:30 ng gabi ng Biyernes.
Ani Reyes, kabilang sa mga nasagip na pasahero ay isang buntis, dalawang senior citizen at limang bata.
“While conducting a routine maritime patrol some 46 nautical miles east of Turtle Islands, the crew of BRP-Juan Magluyan (PC392) sighted a flashing light about five nautical miles off her port bow,” pahayag ni Reyes.
Sa kabila ng mapanganib na kondisyon ng dagat ay nakapagsagawa ng rescue at assistance operation ang mga crew ng PC392.
Ligtas na nakababa sa Tutle Islands port ang lahat ng nasagip na pasahero 4:45 ng umaga ng Sabado.
Agad naman na naghatid ng tulong ang Turtle Islands Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pakikipagtulungan sa local Coast Guard station, sa mga pasahero. RNT/JGC