Home METRO 30 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog

30 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog

MANILA, Philippines- Nasa 30 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos masunog ang isang residential area sa Mandaue City, Cebu nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, sumiklab ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa Barangay Tingub. 

Itinaas ng Bureau of Fire Protection – Mandaue ang second alarm at inabot ng halos isang oras bago maapula ng mga bumbero ang apoy na mabilis kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay.

Bagama’t walang naiulat na nasaktan, sinabi ng BFP na mahigit P600,000 halaga ng ari-arian ang nawasak.

Inaalam pa ng arson investigators ang mitsa ng pagliyab na nagsimula sa isa sa mga tahanan. RNT/SA

Previous article‘Secession’ ‘di solusyon sa mga hamon sa Mindanao – DILG chief
Next articleWalang nakasungkit ng premyo sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49