Home NATIONWIDE 31 lugar nakaambang makaranas ng danger level heat index ngayong Linggo, Mayo...

31 lugar nakaambang makaranas ng danger level heat index ngayong Linggo, Mayo 19

MANILA, Philippines- Iniulat ng weather bureau PAGASA nitong Sabado na 31 lugar sa bansa ang nagbabadyang makaranas ng heat index sa ilalim ng danger level.

Ayon sa 5 p.m. forecast ng ahensya, narito ang mga lugar na masasapul ng heat index na 42°C hanggang 46°C:

46°C:

  • Dagupan City, Pangasinan

45°C:

  • Roxas City, Capiz

44°C:

  • Bacnotan, La Union

  • Sangley Point, Cavite

  • Ambulong, Tanauan, Batangas

  • Iloilo City, Iloilo

  • Dumangas, Iloilo

  • Catbalogan, Samar

  • Dipolog, Zamboanga del Norte

  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur

43°C:

  • NAIA, Pasay City

  • Laoag City, Ilocos Norte

  • Iba, Zambales

  • Casiguran, Aurora

  • Coron, Palawan

  • San Jose, Occidental Mindoro

  • Puerto Princesa City, Palawan

  • Cuyo, Palawan

  • Virac (Synop), Catanduanes

  • Catarman, Northern Samar

42°C:

  • MMSU, Batac, Ilocos Norte

  • Tuguegarao City, Cagayan

  • ISU Echague, Isabela

  • CLSU Muñoz, Nueva Ecija

  • Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City

  • Alabat, Quezon

  • Calapan, Oriental Mindoro

  • Daet, Camarines Norte

  • Legazpi City, Albay

  • Masbate City, Masbate

  • Juban, Sorsogon

Sa 26°C, inaasahan sa Baguio City ang pinakamababang heat index sa bansa.

Base sa PAGASA, ang mga lugar na may heat index na 42°C hanggang 51°C ay nasa ilalim ng danger level.

Samantala, iniulat ng PAGASA na nakaranas ang Guiuan, Eastern Samar ng 51°C heat index nitong Sabado, May 18.

Mas mababa lamang ang heat index na ito ng 1°C sa “extreme danger” category at kapos na lamang ng 2°C sa all-time high na 53°C na naitala sa Iba, Zambales. RNT/SA