ZAMBOANGA, Philippines – Nasa 32 residente na naapektuhan ng sunog sa Purok 2, Barangay Sangali, Lungsod ng Zamboanga noong Agosto 14, 2026 ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng tawag bandang 1:25 nga madaling araw kaya agad itong nirespondehan ng Coast Guard Sub Station Sangali sakay ng PCG aluminum boat AB-263 kasama ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na MCS-3004.
Nagsagawa ng rescue operation ang pinagsamang grupo, tumulong sa pagtigil ng pagkalat ng sunog sa baybayin, at inilikas ang mga apektadong residente kabilang ang isang sanggol na walong buwan at isang buntis.
Ligtas na naiturn-over ang 32 residente sa mga opisyal ng barangay at pansamantalang pinatuloy sa Barangay Hall kung saan sila ay nasuring nasa maayos na kalagayan.
Patuloy na isinusulong ng PCG ang kanilang iCARE Program Intensive Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement sa pamamagitan ng mabilis at maayos na pagtugon upang protektahan ang buhay at tulungan ang mga komunidad sa oras ng sakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden