CEBU, Philippines – Naitala ng DOH-7 ang 38 kaso ng chronic lifestyle-related diseases mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 1, 2026 sa Central Visayas.
Kabilang dito ang 9 acute stroke, 3 acute coronary syndrome, at 26 bronchial asthma cases. Dalawa sa kanila ang namatay.
Sa pambansang antas, tumaas ng 5% ang chronic lifestyle-related diseases kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Mula sa 10 pilot sites, naitala ang 288 kaso: 77 acute coronary syndrome, 180 acute stroke, at 31 asthma. Pitong katao ang namatay sa stroke o coronary syndrome. Karamihan sa pasyente ay 60-69 taong gulang, habang 8 bata ang may asthma.
Payo ng DOH: iwasan ang labis na pagkain, paninigarilyo, alak, at stress; panatilihing aktibo at normal ang blood pressure; at iwasan ang paggamit ng paputok na nagdudulot ng hika.
“This holiday season, let us prioritize safety and health… and avoid using fireworks, especially illegal ones,” ayon sa DOH. RNT/MND