Home NATIONWIDE 3rd impeachment vs VP Sara inihain sa Kamara

3rd impeachment vs VP Sara inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain na sa Kamara ang ikatlong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay inihain ng 12 complainants na binubuo ng iba’t ibang sektor ng relihiyon na pinangunahan ng abogado na si Atty. Amando Virgil Deligutan.

Ang ikatlong impeachment ay inendorso naman nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, Jr. at AAMBIS-OWWA Partylist Rep. Lex Collada.

Pangunahing akusasyon sa ikatlong impeachment ay ang pagbalewala umano ni Duterte sa democratic principles ng bansa, paglabag sa public trust, at pagtataksil sa Konstitusyon.

Bago nag-adjourn ang Kongreso ay nanindigan ang mga kongresista na kabilang sa mayorya na hindi pa nila napag-uusapan ang ukol sa impeachment laban kay Duterte.

Ang Kongreso ay babalik sa January 13, 2025 matapos itong mag-adjourn kahapon para sa holiday break. Meliza Maluntag