Home HOME BANNER STORY 4.6M pasahero inaasahang daragsa sa mga pantalan ngayong holiday season

4.6M pasahero inaasahang daragsa sa mga pantalan ngayong holiday season

254
0

MANILA, Philippines – Inaasahan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagdagsa ng mas maraming pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong holiday season.

Sa ginanap na Kapihan sa Pantalan, sinabi ni PPA Gen. Manager Jay Santiago na posibleng umabot sa 4.6 milyon ang bilang ng mga pasahero simula ngayong araw hanggang sa Enero 5, 2025.

Dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero, inatasan na niya ang mga tauhan sa mga pantalan na siguraduhin na maging maayos ang pasilidad at maging komportable ang sitwasyon ng mga byahero.

Bukod dito, mas mahigpit na seguridad ang inilatag sa mga pantalan kung saan inilagay na sa heightened alert status simula ngayong araw ang PPA bilang paghahanda sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Minamadali na rin ng PPA ang pagsasaayos sa ilang mga pasilidad ng mga pantalan na nasira ng nagdaang bagyo.

Kaugnay nito, tututukan ng PPA ang mga pantalan sa Iloilo, Batangas, Mindoro, Davao at Manila.

Sa datos pa ng PPA, mula Enero hanggang Oktubre 2025, umabot sa mahigit 69.1 milyong pasahero ang naitala na mas mataas ng 5.25 percent kumpara noong nakaraang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here