Home METRO 4-anyos na naglalaro sa kalye sinagpang ng aso sa mukha

4-anyos na naglalaro sa kalye sinagpang ng aso sa mukha

PANGASINAN – Sugatan ang isang apat na taong gulang na bata sa Calasiao, Pangasinan matapos sagpangin ng aso ang kanyang mukha habang naglalaro sa kalye.

“Nagtakbuhan ang mga bata diyan tapos dumaan yung aso… Mabuti nga hindi nabulag,” ayon kay Marites Dela Cruz na siyang lola ng biktima.

Base sa ulat na binayaran ng may-ari ng aso ang anti-rabies vaccination ng batang lalaki.

Pinayuhan ng Center for Health Development-Region 1 (CHD-1) ang publiko na kumpletuhin ang kanilang mga dosis ng bakuna laban sa rabies kung sila ay makagat ng mga hayop.

“Ang rabies po kasi kapag tumama sa isang tao at nagkaroon po ng sintomas, 100% fatal po ‘yan,” ani Rheuel Bobis, CHD-1 spokesperson.

Sa talaan, siyam na katao sa lalawigan ang namatay dahil sa rabies mula noong Enero.

Dagdag pa rito, pinalakas ng mga opisyal ng Barangay Longos ang patakaran sa pag-atas sa mga residente na itali ang kanilang mga aso na magpaparusa sa mga lalabag ng P500 na multa. RNT