Home HOME BANNER STORY 4 Chinese, 9 Pinoy arestado sa illegal mining sa Agusan

4 Chinese, 9 Pinoy arestado sa illegal mining sa Agusan

338
0

MANILA, Philippines – Arestado ang 13 indibidwal, kabilang ang apat na Chinese national sa major crackdown ng mga awtoridad sa illegal mining activities sa Agusan del Sur.

Ang pag-aresto ay bahagi ng Oplan Kalikasan, isang high-priority inter-agency operation para buwagin ang illegal gold mining operations sa rehiyon.

Nangyari ang pag-aresto sa Purok 12, Bulong-Bulongan, Barangay Bunawan Brook, Bunawan bandang alas-3 ng hapon noong Huwebes.

Ang operasyon ay isinagawa sa pagsasanib-pwersa ng ilang ahensya kabilang ang Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 13, 14th Special Action Company ng Philipppine National Police Special Action Force, Mines and Geoscience Bureau 13, Community Environment and Natural Resources Office-Bunawan, Department of Environment and Natural Resources Enforcement Division, at Bunawan municipal police station.

Dalawang illegal mining sites ang nilusob ng mga awtoridad.

Kinilala ang apat na Chinese national na naaresto na sina “Big Li,” 58; “Hua,” 42; “Vee,” 43; at “Ting,” 58.

Nagmimina ng ginto at iba pang mineral ang grupo nang walang kaukulang permit, at lumalabag sa Philippine Mining Act of 1995.

Sa naturang raid, nakumpiska ang iba’t ibang illegal mining equipment, kabilang ang excavators, sluice boxes, at iba pang materyales na nagkakahalaga ng P8 milyon.

Nakumpiska rin ang sako-sako ng buhangin na may bakas ng ginto.

Ang mga nakumpiskang gamit ay itinurn-over sa CIDG Agusan del Sur provincial field unit.

Nilusob na rin ng mga awtoridad ang kaparehong site noong Disyembre 2024. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here