MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang apat na Chinese national na nagtatrabaho sa minahan sa Agusan del Sur kahit walang working visa, sinabi ng Bureau of Immigration.
Ang mga dayuhan ay naaresto noong Oktubre 1 ng Regional Intelligence Operations Unit 13 ng BI sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police.
Ipinatupad ng BI ang mission order para sa pag-aresto sa mga Chinese national.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang mga dayuhan sa First Municipal Circuit Trial Court sa San Francisco, Agusan del Sur.
Ang mga minerong Chinese ay lumabag sa Philippine Immigration Act of 1940 sa misrepresentation at pagtatrabaho nang walang working visa.
Kalaunan ay dinala ang mga ito sa Agusan del Sur Provincial Jail para sa temporary safekeeping. RNT/JGC