Home METRO 4 dedbol sa sunog sa Kyusi 

4 dedbol sa sunog sa Kyusi 

1
0

MANILA, Philippines — Apat na katao ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang townhouse sa Road 10, Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Martes, Setyembre 15.

Ayon kay Quezon City Fire Marshal Supt. Don Samillano, kabilang sa mga nasawi ang dalawang senior citizen na edad 61 at 63, gayundin ang dalawa pa nilang kasama na edad 41 at 51.

Natagpuan ang mga biktima sa loob ng banyo na pinaniniwalaang kanilang tinakbuhan upang makaiwas sa apoy.

Isang residente naman ang nakalabas nang ligtas sa nasusunog na gusali.

Sinabi ni Samillano na iisa lamang ang pasukan at labasan ng townhouse.

Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire out dakong alas-5:10 ng hapon.

Ayon pa sa opisyal, walang natanggap na tawag ang Quezon City Fire Department hinggil sa insidente. Isang nakamotorsiklo umano ang personal na nagtungo sa Bureau of Fire Protection upang ireport ang sunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here