Home NATIONWIDE 4 DPWH officials sibak sa flood control anomaly; may susunod pa –...

4 DPWH officials sibak sa flood control anomaly; may susunod pa – Dizon

1
0

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang apat na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao at Cebu kaugnay ng mga iniimbestigahang umano’y iregularidad sa flood control projects at reklamo ng extortion.

Kabilang sa inalis sa puwesto sina Richard Ragasa, dating Davao City district engineer at kasalukuyang assistant regional director ng DPWH MIMAROPA; Lilibeth Sarmiento, assistant district engineer; at Roberto Mamaril, Construction Section chief sa Davao City.

Ang tatlo ay kabilang sa mga inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng reklamo kaugnay ng mga flood control at iba pang proyekto ng Genesis88 Construction sa Davao City. Kabilang sa mga posibleng paglabag na tinukoy ng NBI ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at falsification by public officer.

Sinibak din si Renato Catingub, Construction Section chief ng DPWH 4th District Engineering Office sa Cebu, matapos makatanggap ang ahensya ng mga reklamo mula sa contractors na umano’y hinihingan niya ng pera. Wala pang pinal na finding ng korte kaugnay ng naturang alegasyon.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ipinatutupad ng ahensya ang “one-strike policy” laban sa mga opisyal at tauhang nasasangkot sa mga reklamong may kinalaman sa katiwalian.

Nagbabala rin si Dizon na may iba pang opisyal na maaaring maalis sa puwesto habang nagpapatuloy ang mga imbestigasyon.

Aniya, kasalukuyang tinatapos ng Legal Service at Internal Audit Investigations Service ng DPWH ang mga ulat kaugnay ng ilang district engineers, assistant district engineers at iba pang personnel.

“I will announce the names of those who will be removed in the coming months,” ani Dizon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here