MANILA, Philippines – Nagsagawa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng dalawang matagumpay na buy-bust operation na humantong sa pagkakaaresto sa apat na high-value suspects dahilan nang pagkakasamsam ng malaking halaga ng droga at baril noong Huwebes, Agosto 15, 2024 sa Taguig City.
Sa determinasyong mapuksa ang iligal na droga, nadakip bandang 10:15 umaga ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City sa unang operasyon sina John Medina Jr. y Tapia, 47, at Reynaldo Llanto y Flores, 53. Naganap ang drug buy-bust operation sa Sanga Street, Purok 6, Barangay Palingon Tipas, Taguig City.
Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng 33.08 gramo ng shabu na may tinatayang street value na PHP 224,944.00. Kasama sa iba pang ebidensyang nasamsam ang isang caliber .45 Llama Max-1 pistol, isang magazine, live ammunition, at buy-bust money.
Narekober din ng mga awtoridad ang isang .45 caliber Llama Max-1 na baril, isang magazine, limang mga bala ng kalibre .45, P500 marked money na may serial number NW564511, na ginamit bilang buy-bust money, anim na piraso ng P1,000 boodle money, isang black inside holster, at isang itim na sling bag.
Ang ikalawang buy bust operation na isinagawa dakong 01:15 umaga, ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Southern Police District (SPD) sa Barangay Rizal, Taguig City ay nagreresulta sa pagkakaaresto kina Ariane Tejada at Jhoanna May Caparanga para sa mga paglabag na may kinalaman sa droga.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 450 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P 3,060,000.
Narekober din ng NCRPO team sa liderato ni NCRPO Regional Director PMGen Jose Melencio C Nartatez Jr.
ang PHP 1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang itim na Huawei Android phone, at isang itim na pouch.
Ang operasyon ay sa pagtutulungan ng iba’t ibang unit ng SPD, kabilang ang District Intelligence Division (DID), District Special Operations Unit (DSOU), District Mobile Force Battalion (DMFB), Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District. Office (PDEA-SDO), at Sub-Station 10 ng Taguig City Police Station. Dave Baluyot