Home NATIONWIDE 4 klasrum sa paaralan sa Quezon nasunogNATIONWIDETOP STORIES 4 klasrum sa paaralan sa Quezon nasunogOctober 28, 2025 16:412960 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang pampublikong paaralan sa Mulanay, Quezon nitong Martes ng umaga, Oktubre 28.Ayon sa Quezon police, apat na silid-aralan ang natupok sa sunog sa Bagupaye Elementary School sa Barangay Bagupaye.Naapula ng mga bumbero ang sunog bandang 1:35 ng madaling araw.Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.Tinatayang nasa P400,000 naman ang halaga ng pinsala at iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. RNT/JGC