MANILA, Philippines – Apat na pangunahing dam sa Luzon ang nananatiling nakabukas ang mga gates nitong Miyerkoles upang magpakawala ng tubig habang papalapit sa spilling level, ayon sa PAGASA.
Sa Bulacan, isang gate ng Ipo Dam ang nakabukas sa 0.3 metro na may discharge na 59.60 cms. Ang lebel ng tubig ay 100.68 metro (spilling: 101.10), na nakaapekto sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.
Sa Benguet, tatlong gate ng Ambuklao Dam ang nakabukas sa 1.5 metro (249.04 cms) habang apat na gate ng Binga Dam sa Itogon ang bukas sa 2 metro (330.52 cms). Nakaapekto ito sa Dalupirip at Tinongdan.
Samantala, tatlong gate ng Magat Dam ang bukas sa 5 metro na may discharge na 874.44 cms. Ang lebel ng tubig ay 183.89 metro (spilling: 190), na nakaapekto sa Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguillian, Gamu, at Alfonso Lista. Santi Celario