Home METRO 4 miyembro ng NPA sumuko sa Army sa Caraga

4 miyembro ng NPA sumuko sa Army sa Caraga

54
0

AGUSAN DEL SUR, Philippines – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang tatlong opisyal at isang kasapi, ang sumuko sa iba’t ibang yunit ng Philippine Army’s 401st Infantry Brigade (401Bde) noong weekend.

Ayon sa Army, naganap ang magkakasunod na pagsuko sa Surigao del Sur at Agusan del Norte noong Mayo 15 at 16.

Sa joint operations ng 75th Infantry Battalion at 3rd Special Forces Battalion noong Mayo 15, sumuko ang dalawang opisyal ng Regional Sentro De Grabidad ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng NPA.

Kinilala sila bilang sina Lovilito Lamela alyas “Bero” o “Hapon,” squad leader, at Gina Sawan alyas “LG,” medical officer ng grupo.

Isinuko rin nila ang isang AK-47 rifle, isang rifle grenade, isang scope, at tatlong magazine ng AK-47.

Noong Mayo 16, sumuko rin si Eusebio Gultiano Peru alyas Lee/Pitong/Tarzan/Carpo sa Marihatag, Surigao del Sur.

Itinuro rin niya sa mga sundalo ang pinagtaguan ng kanyang R4 rifle na may isang magazine at anim na bala sa Barangay Bayan ng nasabing bayan.

Samantala, noong Mayo 15 ay sumuko rin si Cheryl Tremidal Neniel alyas “Melon,” miyembro ng Squad 2, Sub-Regional Sentro De Grabidad Westland ng NEMRC, sa Barangay Del Pilar, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ayon kay Col. Glenn Joy Aynera, acting commander ng 401Bde, “These successive surrenders clearly indicate the final and eventual collapse of the Communist Terrorist Group structure in the Caraga Region.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here