Home METRO 4 nagbi-videoke patay matapos paulanan ng bala sa Cotabato

4 nagbi-videoke patay matapos paulanan ng bala sa Cotabato

KORONADAL CITY – Patay ang apat na katao habang sugatan pa ang isang indibidwal na nag-iinuman matapos na pasukin ng isang lalaking may dalang assault riffle at pagbabarilin ang mga ito sa isang residential compound sa South Cotabato nitong Linggo ng gabi, May 26.

Sinabi ni Major Erika Vallejo, acting municipal police chief, na dumating ang hindi pa nakikilalang umatake sa loob ng residential compound ni Marlon Yuarata sa Barangay Dumadalig, bayan ng Tantangan at walang ano-ano ay pinaputukan ang mga biktima, gamit ang 5.56 mm assault rifle.

Kinilala ng mga kaanak ang mga napatay na sina Jerry Yuarata, Ronald Vallespin, Argie Villaronte at Marco Combiz, pawang mga magsasaka at residente ng Purok 5 Luayon, Barangay Dumadalig, sabi ni Vallejo.

Si Freddie Tabamo, isa pang magsasaka, ay sugatan.

Nag-iinuman ang mga biktima, ine-enjoy ang gabing pagkanta ng videoke nang sila ay atakihin.

Narekober sa eksena ng mga operatiba ng krimen ang 37 basyo ng bala ng 5.56mm rifle sa pinangyarihan ng krimen. RNT