ANTIQUE — Sugatan ang apat katao matapos silang tamaan ng kidlat habang nakasilong sa isang waiting shed sa Barangay Maasin, Sibalom, Antique nitong Miyerkoles ng tanghali.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, malakas ang ulan nang sumilong sa waiting shed ang tatlong lalaki at isang babae.
Bigla umanong kumidlat at tinamaan ang apat, na agad isinugod sa ospital.
Nagtamo sila ng mga paso sa katawan ngunit nasa maayos nang kalagayan.
Samantala, isang 70-anyos na magsasaka naman ang nasawi matapos tamaan din ng kidlat sa bayan ng Valderrama, Antique noong Lunes ng hapon. Mary Anne Sapico