Home HOME BANNER STORY 4 nawawala pa rin sa sasakyang nahulog sa ilog sa gumuhong tulay...

4 nawawala pa rin sa sasakyang nahulog sa ilog sa gumuhong tulay sa Tarlac

1
0

MANILA, Philippines – Pinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na nawawalang indibidwal matapos mahulog ang kanilang sasakyan sa ilog sa Tarlac kasunod ng pagguho ng tulay.

Ayon sa PCG, pawang mga pasahero ang sakay ng sasakyan matapos gumuho ang bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City at tuluyang mahulog sa Tarlac River.

Pansamantala namang itinigil ang search and rescue operations dahil sa malakas na current at low visibility.

Ngayong araw, nakikipag-ugnayan na ang Coast Guard Station Pampanga at Special Operations Unit NCR-Central Luzon sa mga local na awtoridad at ipagpapatuloy ang SAR operations sa sandaling gumanda na ang panahon upang maging ligtas ang mga rescuer.

Nakikipagtulungan din ang PCG sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ng Tarlac at Nueva Ecija, Tarlac City Police Office, at iba pang responding agencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here