Home NATIONWIDE 4 phreatic eruptions naitala sa Bulkang Taal

4 phreatic eruptions naitala sa Bulkang Taal

MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Taal Volcano sa Batangas ng apat na phreatic eruption events, na tumagal ng dalawa hanggang apat na minuto, sa nakalipas na 24 oras kahit na nananatili ang bulkan sa Alert Level, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Naganap ang unang dalawang phreatic events sa pagitan ng alas-8:50 ng umaga hanggang alas-8:52 ng umaga at alas-9:09 ng umaga hanggang alas-9:12 ng Sabado, ayon sa PHIVOLCS. Nakapagtala rin ng katulad na event ng alas-11:02 ng umaga noong Sabado, dagdag nito.

Batay sa pinakabagong bulletin, binanggit ng PHIVOLCS na 17 volcanic earthquakes, kabilang ang anim na pagyanig (2-4 minuto ang itinagal), ang naganap sa Taal Volcano mula alas-12 ng hatinggabi noong Abril 20 hanggang alas-12 ng hatinggabi ngayong Abril 21.

Nagbuga rin ito ng 1,200-meter tall plume, na itinuturing na moderate to voluminous.

Patuloy namang ipinagbabawal ang paglapit sa Taal Volcano Island na nasa ilalim ng Permanent Danger Zone (PDZ), at pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan. RNT/SA