Home HOME BANNER STORY 4 piloto patay sa salpukan ng 2 eroplano ng PAF

4 piloto patay sa salpukan ng 2 eroplano ng PAF

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) ang pagkamatay ng apat na piloto sa kasagsagan ng training flight sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Sa pahayag, inilarawan ng PAF ang insidente bilang isang “aviation accident,” na nangyari noong Biyernes ng hapon, Oktubre 23.

Sangkot sa aksidente ang dalawang single-propeller SF-260 aircraft.

“The Philippine Air Force mourns the loss of four pilots in an aviation accident involving two SF-260 aircraft during a training flight at Fernando Air Base on October 23, 2026. We extend our heartfelt condolences to their bereaved families, loved ones, and fellow airmen,” pahayag ng PAF.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng salpukan.

Kasabay nito, grounded naman ang buong fleet ng SF-260 aircraft bilang safety precaution.

Siniguro naman ng PAF na ibibigay nito ang lahat ng kaukulang tulong sa mga naulilang pamilya at umapela sa publiko na igalang ang privacy ng mga ito.

“May our fallen aviators’ courage, dedication, and service be remembered, and may their souls rest in eternal peace,” ayon sa PAF. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here