Home NATIONWIDE 4 Pinoy na nasawi sa Okt. 7 Hamas attack sa Israel, inalala;...

4 Pinoy na nasawi sa Okt. 7 Hamas attack sa Israel, inalala; paghupa ng tensyon ipinanawagan ng Pinas

103
0

MANILA, Philippines – INALALA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang apat na Filipino na pinatay sa Oct. 7 attack ng militanteng Hamas sa Israel habang nananawagan na pagaanin ang tumataas na tensyon sa Gitna ng Silangan.

“Gusto lang namin (to) deescalate tensions. It affects everybody —the entire region, including the hostages,” ayon kay DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose De Vega.

Sinabi pa niya na nananating nag-aalala ang gobyerno para sa kapakanan ng mga Filipino na nakatira at nagta-trabaho sa rehiyon habang nagpapalitan ng putok ang Israel, Hamas at ang Hezbollah ng Lebanon.

“We have a million Filipinos there. So, the Israelis have to understand while we’re friends with them, the way we vote in the UN (United Nations), the things we say are reflective of our concern for our Filipinos in the Middle East region,” ayon kay De Vega.

“And their lives are affected by the fact that there’s all these conflicts now, whether in Gaza, Lebanon, sometimes even Iran or Yemen,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ni De Vega na nananatili ang alert level sa Lebanon at walang pinaplano na mass repatriation.

“The situation in Lebanon is still, it’s not the best, but it’s not like it’s a war zone. Gaza is a war zone,” ang winika ni De Vega.

“So, (ang) mga kababayan natin, ayaw pa rin umuwi. Some want and we’re getting the flights for them,” anito.

Samantala, Nag-alay ng dasal ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at Filipino community para sa 4 na Filipino caregivers na sina Loreta Alacre, Angelyn Aguirre, Grace Cabrera at Paul Vincent Castelvi na pinaslang sa naturang pag-atake na humantong sa pagbihag ng mahigit 250 indibidwal.

Sa isang statement, inihayag ng Embahada na nawa’y maging pagpapala ang kanilang mga ala-ala magpakailanman. Ipagpapatuloy din aniya ng Embahada ang pagpapanawagan para sa pagpapalaya ng nalalabi pang mga bihag, paga-alay din ng comfort sa kanilang mga naulilang pamilya at pagsusulong ng mapayapang resolution sa nagpapatuloy na conflict tungo sa mapayapang rehiyon.

Matatandaan na pinatay ng mga teroristang Hamas ang Pilipino caregivers na sina Aguirre, Cabrera at Castelvi kasama ang kanilang mga pasyente at employers sa Beeri malapit sa Gaza habang si Alacre naman ay napatay habang nasa music festival malapit sa Gaza strip. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here