Home NATIONWIDE 4 sugatan sa disgrasya sa Taytay; sasakyan nahati sa gitna

4 sugatan sa disgrasya sa Taytay; sasakyan nahati sa gitna

330
0

MANILA, Philippines – Apat ang nasugatan matapos mahati ang isang sasakyan sa Taytay, Rizal nang bumangga ito sa isang poste at steel gate noong Linggo ng madaling araw, ayon sa awtoridad.

Ipinakita sa CCTV na mabilis na bumibiyahe ang sasakyan sa Manila East Road, Barangay San Juan, bandang 2 a.m. bago tumama sa poste at gate.

Tatlong naglalakad sa paligid ay muntik tamaan, at isa sa kanila ay nahulog sa kalsada. Nasira rin ang isang nakaparadang motorsiklo na pag-aari ng isang security guard.

Naospital ang driver, habang tatlo pang pasahero ay nagtamo ng minor na sugat. Inilarawan ng Taytay police ang insidente bilang “self-accident” at maaaring kasuhan ang driver sa property damage.

Mahigit isang oras bago naalis ang sasakyan at naibalik ang normal na daloy ng trapiko. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here