MANILA, Philippines – Apat ang sugatan sa naganap na grenade attack sa isang residential compound sa Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 4.
Ayon kay Police Lt. Col. Jopy Ventura, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), ang pagsabog ay naganap 9:45 ng gabi sa Barangay Mother Poblacion.
Kinilala ang mga biktima na nagtamo ng shrapnel injuries sina Ryan Obpon, 51; Abdulazis Saludin, 20; Nasrullah Unayan, 27; at Jonalyn Mamay, 24, lahat ay residente ng nabanggit na barangay.
Ginagamot pa sa ospital ang mga sugatang biktima.
Wala pang umaako sa nangyaring pag-atake.
Kinondena naman ito ni Shariff Aguak Vice Mayor Hadji Oping Ampatuan at hinimok ang mga residente na manatiling mapagmatyag.
“This is unfortunate that there are people sowing fear in our community while we are trying to maintain peace in our municipality,” aniya.
Nangako si Ampatuan na mapananagot ang mga nasa likod nito. RNT/JGC