Home NATIONWIDE 40 naputukan sa Kyusi

40 naputukan sa Kyusi

212
0

QUEZON CITY – Naitala ng pamahalaang Quezon City ang 40 kaso ng naputukan ng paputok mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026, 62% na mas mababa kumpara sa 107 na naitalang kaso noong nakaraang taon.

Sa 40 kaso, 29 ang naaksidente habang hindi direktang humawak ng paputok, at 11 ang direktang gumamit nito. Dalawampu’t pito ang nangyari sa kalsada, 11 sa bahay, at dalawa sa iba pang lugar.

Walang naiulat na kaso ng pagkakain ng paputok o tama ng ligaw na bala.

“Bagamat may iilan pa ring QCitizen ang nagtamo ng injury dahil sa paputok, itinuturing pa rin nating matagumpay ang ating kampanya at mga hakbang laban sa paggamit ng paputok,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.

Idinagdag niya na patunay ito na kaya nating magsaya at salubungin ang bagong taon nang ligtas at mapayapa.

Ayon sa Department of Health, bagamat mas kaunti ang injuries kumpara sa 2024, mas malala ang pinsalang natamo ng biktima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here