Home HOME BANNER STORY 42 lugar binaha kay Bising, habagat – OCD

42 lugar binaha kay Bising, habagat – OCD

231
0

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 42 lugar ang binaha dahil sa pag-ulang dulot ng Bagyong Bising at Habagat, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD officer-in-charge Bernardo Rafaelito Alejandro IV, matinding naapektuhan ang hilagang Luzon, partikular sa Regions 1, 2, 3, CAR, at NCR. Sa 42 binahang lugar, 35 pa ang lubog sa baha habang humupa na sa pito. Nananatiling naka-Blue Alert ang mga apektadong rehiyon.

Sa Baguio City, gumuho ang bahagi ng rock shed project sa Kennon Road, habang isang malaking puno ang bumagsak na nagdulot ng abala sa trapiko at pagkawala ng kuryente.

Sa Laoag, Ilocos Norte, nakita ang buhawi na bunga umano ng thunderstorm dulot ng Habagat, ayon sa PAGASA.

Sa Baseco Compound, Maynila, umabot hanggang tuhod ang baha, habang tinatayang 44 ektarya ng bagong tanim na palay sa Mlang, Cotabato ang naapektuhan.

Iniulat naman ng NDRRMC na isang nasawi sa Metro Manila (na kasalukuyang bineberipika), habang 32,606 pamilya o 103,274 katao ang naapektuhan ng Bising at Habagat. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here