Home HOME BANNER STORY 45 case studies sa maanomalyang flood control projects sa Taguig, naipasa na...

45 case studies sa maanomalyang flood control projects sa Taguig, naipasa na sa Ombudsman

1
0

MANILA, Philippines – Naipasa na sa Ombudsman ang nasa 45 case studies sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Taguig, ayon sa kampo ni Senador Panfilo Lacson nitong Linggo, Setyembre 6.

Ayon sa kampo ni Lacson, ang mga ipinasang case study ay suportado ng opisyal na dokumento na nagpapakita ng “systemic anomalies” sa mga proyekto para sa flood control sa Taguig na kilalang balwarte ni Senador Alan Peter Cayetano.

“The case studies include billing anomalies involving the use of duplicate or tampered photographs across different contractors to falsely claim project progress and justify payments,” saad sa kalatas ng team ni Lacson.

“Records also showed deceptive project classifications in which land reclamation activities were presented as flood control projects,” dagdag pa.

Tinukoy nito ang ilang kaso kabilang ang dalawang proyekto sa Taguig River na itinayo ng magkakasunod na taon ng iisang contractor, ngunit ang mga proyekto ay tila nagpang-abot sa magkaparehong lokasyon.

Ang ibang proyekto naman ay wala umanong supporting records, habang ang iba, ang full payout ay naibigay gamit ang “fabricated billing documents” para sa then-nonexistent structure na nakapwesto sa umano’y illegally reclaimed land.

Binatikos naman ni Cayetano ang imbestigasyon ni Lacson na tinawag niyang “witch hunt,” “demolition job,” at “striptease.”

“I support any investigation. Ang inaangal ko lang po, ‘pag ito’y naging ‘yung ginagawa ni Senator Lacson na trial by publicity. Araw-araw for the last three months, parang striptease tapos wala namang tunay na ebidensya, panay akusasyon. Ba’t ko sinabing witch hunt? Hinahanap lang lahat. Parang naghahanap ka ng multo, wala du’n, gumagawa ng istorya,” sinabi ni Cayetano sa pag-livestream online.

“‘Yung akusa ka nang akusa, tapos sinasabi, may ghost dito, may ghost doon. Accusation po ‘yan, hindi ebidensya po ‘yun,” dagdag pa.

Sinagot naman ito ni Lacson at sinabing: “True. Ang dami palang ‘multo’ na slope protection and flood mitigation projects along Taguig River.”

“It only proves Sen Cayetano’s ignorance of how an investigation of flood control anomalies and other sophisticated corruption cases works. It must be deliberate, methodical and thorough; not hasty nor sloppy,” sinabi pa nito.

Sinusuri na ng Ombudsman ang mga dokumento na itinurn-over ng team ni Lacson at nagsasagawa na ng fact-finding probe.

Samantala, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na pinagbawalan ng mga tauhan ng Taguig City Hall ang kanilang mga imbestigador na gawin ang kanilang tungkulin.

“Basta sinasaway sila kahit nagpakilala na Office of the Ombudsman, sinasaway pa rin. Kasi ‘yung drone, paliliparin nila ‘yung drone para kumuha ng picture. Ayaw silang pagalawin. ‘Yung sinasaway nila pulis na detailed sa’min. Pinapulis namin. Sa Taguig ‘yan,” ayon kay Remulla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here