MANILA, Philippines – Ligtas na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Biyernes, Setybre 20 ang pangalawang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na tumanggap ng Amnesty Program ng United Arab Emirates (UAE).
Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pamamahagi ng agarang financial assistance sa nasabing batch .
Binubuo ng 17 OFWs ang pangalawang batch nay tatlong bataula Dubai at 25 OFWs mula Abu Dhabi.
Lahat sila ay nakatanggap ng reintegration services at iba pang uri ng suporta mula sa gobyerno.
Ang repatriation ng naturang batch ay nagdala sa kabuuang 103 OFWs at limang batang returnees sa ilalim ng UAE Amnesty Program sa koordinasyon at joint efforts ng Philippine Embassy sa UAE, DMW Migrant Workers Offices sa Dubai at Abu Dhabi, at OWWA. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)