Rescuers inspect a heavily-damaged building at L. Say port following an earthquake in Maumere, Sikka, East Nusa Tenggara province, Indonesia, August 15, 2026. REUTERS/Willy Kurniawan
INDONESIA – Naitala ang 47 nasawi sa pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa eastern Indonesia nitong Sabado, Agosto 15.
Sa pahayag ng National Disaster Mitigation Agency (BNPB), hindi pa nararating ng rescue teams ang Nagekeo, ang rehiyon na pinakamalapit sa epicenter dahil sa pagharang ng mga landslide sa mga kalsadang patungo rito.
“The quake was massive, the shock was so strong,” ayon sa isang residente ng East Nusa Tenggara.
“There were 13 of us inside the house and we all ran to save ourselves.”
Naitala rin ang tsunami waves na hanggang isang metro sa ilang lugar sa bansa.
Inalis din ng mga awtoridad ang tsunami warning matapos ang tatlong oras.
Bago rito ay iniulat ng mga rescuer sa Maumere na mayroong 20 nasawi, anim na nasaktan at dalawa ang natrap sa guho.
Mayroon ding mga residente ang nananatiling nasa ilalim ng mga gumuhong gusali sa apektadong lugar.
Pahirapan din ang komunikasyon sa lugar ng epicenter.
Kinailangang ilikas ang nasa 2,000 residente ng Nagekeo dahil sa mga napinsalang tirahan, warehouse at governemnt buildings.
Sa press conference, sinabi ni East Nusa Tenggara Governor Emanuel Melkiades Laka Len na mayroon ding limang katao ang nasawi nang gumuho ang gusali habang natutulog ang mga biktima.
Unang naitala ng Indonesian geophysics agency BMKG ang lindol 4:58 ng umaga na sinundan ng ilan pang aftershock. RNT/JGC