Home NATIONWIDE 49 foreign sex offenders naharang ng BI

49 foreign sex offenders naharang ng BI

MANILA, Philippines- Umabot sa 49 foreign sex offenders ang hinarang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan upang hindi makapasok ang mga ito sa bansa, sa unang apat na buwan ng taon.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang kabuuang bilang ng alien sex offenders na ibinukod mula Enero hanggang Abril ay mas mababa kumpara sa 64 na pasaherong hindi nakapasok sa parehong panahon noong 2023.

“This only shows that we are successful in our campaign to stop the entry of foreign sex offenders as it is deterring or discouraging other foreigners like them from coming here,” ani Tansingco.

Sa unang bahagi ng taong ito, inilunsad ng BI ang Project #Shieldkids Campaign nito, na humihimok ng impormasyon sa mga posibleng sex predator na nasa bansa o nagtatangkang pumasok sa Pilipinas.

“These sex offenders and pedophiles have forums and chatgroups wherein they discuss places where they can victimize people,” ani Tansingco. “We believe that the recent actions of the BI serves as a big deterrent in stopping the entry of these undesirables,” dagdag pa ng opisyal.

Tiniyak ni Tansingco na walang tigil sa kampanya ng BI laban sa mga pedophile dahil tungkulin aniya ng bureau na protektahan ang mga babaeng Pilipino at mga batang foreign sex predator.

“If we do not turn them back, our women and children are exposed to serious risk as anyone of them could be their next victim,” ayon pa sa BI chief.

Ipinakita ng mga istatistika na ang karamihan sa mga ibinukod na dayuhan ay mga rehistradong sex offenders (RSO), o ang mga may rekord ng mga hinatulan para sa mga krimen sa sex sa kanilang bansang pinagmulan.

Nabatid sa BI na ang mga Amerikanong may bilang na 35 ay nanguna sa listahan ng mga excluded sex offenders, na sinundan ng United Kingdom at Germany.

Ang Philippine immigration act ay tahasang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan na nahatulan ng mga krimeng may kinalaman sa moral turpitude. JAY Reyes