Home METRO P2.3M ismagel na yosi buking sa checkpoint sa Iligan City

P2.3M ismagel na yosi buking sa checkpoint sa Iligan City

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P2.3 milyong halaga ng mga ismagel na sigarilyo ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) makaraang maharang ang mga ito sa isinagawang checkpoint ng mga tauhan ng Traffic Enforcement Unit ng Iligan City Police Office (ICPO) sa Brgy. Maria Cristina, Iligan City noong Mayo 16, 2024.

Ayon sa BOC, naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa heavily tinted na van na may kargang 2,899 reams ng mga undocumented Fort at Cannon Menthol na sigarilyo.

Nabatid sa BOC na ang mga nahuling sigarilyo ay gawa sa labas ng Pilipinas at kulang sa BIR stamp gaya ng iniaatas ng batas, kaya lumalabag ito sa Section 1113 (l)(1) at Section 1401 ng Republic Act No. 10863 na Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Ayon sa BOC, ang 2,899 reams ng sigarilyo ay tinatayang nagkakahalaga ng P2,319,200 base sa kasalukuyang market value. Nasamsam din sa operasyon ang Nissan Urvan na ginamit sa transportasyon ng mga smuggled na sigarilyo.

“The BOC is firm in its stance to protect our citizens against the harmful effects of unlawful tobacco products. This determination is exemplified by the series of crackdowns on these commodities. This is also in response to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s call to the bureau to intensify our efforts in combating the illicit tobacco trade,” ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes