Home ENTERTAINMENT Collab nina SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G, nag-viral!

Collab nina SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G, nag-viral!

Screenshot

Manila, Philippines – Hindi na nga mapigilan ang pagsikat ng grupong BINI lalo na nang napasama sila sa collab ng SB19, SunKissed Lola, at Flow G sa isang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.”

Ito ay matapos ang ilang linggong antisipasyon at pagpapatikim sa kanilang mga socmed at inilabas na nga ng Puregold ang nasabing music vid.

Tinodo ang kolaborasyon ng apat sa pinaka-inaabangang talento sa musika: SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G.

“Itong apat na mga musikerong ito ang pinakanakasasabik sa eksena ng musikang Pinoy sa kasalukuyan. Isang pangarap na natupad ang pagtatrabaho kasama sila sa pagbabahagi ng makapangyarihang mensahe,” sabi ni Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold.

“Ipinagmamalaki namin ang kanilang tagumpay at iniaangat pa lalo ang OPM. Sa parehong paraan, isang malaki ng pribilehiyo ang sumuporta sa mga artistang ito sa paglikha ng kanta.”

Tampok sa music video ang apat na mga talento na kumakanta at sumasayaw sa isang stylized store.

Itinatanghal nila ang iba’t ibang talento: pag-harmonize, pagsayaw sa mahusay na koryograpiya, mga instrumental na solo, at sa kaso ni Flow G, pagsulat at pag-rap ng sariling mga berso.

Higit sa hindi kapani-paniwalang pagsasama-sama ng apat na tanyag na mga musikero sa iisang music video at kanta, ipinagdiriwang din ng “Nasa Atin ang Panalo” ang mga tao ng nasabing kumpanya.

Kasamang sumasayaw sa music video ang mga araw-araw na mamimili at ang staff.

Kuhang-kuha ng kanta ang esensya ng “panalo”.

Higit doon, inaawit din nito ang kuwentong panalo ng mga artistang kasama sa paglikha ng kanta, na lumahok sa proyektong ito kaakibat ang kanilang mga naratibo ng tagumpay.

Patunay ang tuloy-tuloy na pag-angat ng SunKissed Lola sa kanilang pagtindig sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap. Paalala naman ang pag-unlad at coming-of-age na paglalakbay ng BINI ng halaga ng pagbabago sa paglipas ng oras.

Halimbawa naman ang determinasyon at pagsulong ni Flow G ng determinasyon sa harap ng patuloy na mga hadlang. Ang kuwento ng SB19, na puno ng mga tagumpay at pagsubok, ay makapangyarihang larawan ng abilidad na harapin ang bawat bagong araw.

Pinagsasama-sama ng kanta ang lahat ng ito, na malapit nang mapakinggan sa mga streaming platform gaya ng Spotify.

Subalit hindi pa tapos ang pananabik ng mga Pinoy Pop fan, marami pang dapat abangan. Nagpatikim na ang apat na mga artistang ito ng mga solo track na ilalabas din sa mga susunod na linggo.

Bawat kanta ay mas lulubog pa sa indibidwal na mga kalidad na naghatid sa bawat musikero sa kanilang mga pangarap na always panalo. JP Ignacio