MANILA, Philippines – HALOS kalahati ng mga Pinoy ang nakaramdam ng pagbuti ng buhay kumpara noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Ito ang lumabas sa report na may titulong “Cost of Living Monitor” ng market research company Ipsos.
Lumitaw sa isinagawang survey mula Oct. 25 hanggang Nov. 9, na 49% ng mga Pinoy ang nagpahayag na bumuti ang kanilang financial situation kumpara noong unang bahagi ng 2020 o bago mapahinto ng Covid-19 pandemic ang global economic activity.
Sa mga nakaramdam ng pagbuti ng buhay, 17% ang nagsabi na “much better off,” habang 32% naman ang nagsabi na “little better off.”
Sa nasabing Ipsos survey, 22,720 ang nagpartisipa mula sa 32 bansa kabilang na ang Pilipinas na may 500 katao ang nagpartisipa.
“This optimistic outlook in the Philippines exceeds the global average of 37 percent,” ayon sa Ipsos.
Sinabi pa ng Ipsos na 37% mula sa 32 bansa ang nagsabi na sila ay “worse off than before the pandemic”, isang sentimyento na naramdaman sa lahat ng Group of Seven (G7) countries kabilang na ang Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom at Estados Unidos.
Sa Pilipinas, 17% ang nagsabi na sila ay “a little worse off” post-pandemic, habang 7% naman ang naglarawan ng kanilang situwasyon bilang “much worse off”.
Idagdag pa rito, 25% ang nagsabi na sila ay “neither better nor worse off” kaysa bago ang pandemiya.
Pagdating naman sa pangangasiwa ng personal finances, makikita sa survey na 37% ng mga respondents sa Pilipinas ang iniulat na sila ay “doing alright”, habang 26% naman ang nagsabi na sila’y “just about getting by”.
Sinasabing 9% ang nagpahiwatig na sila’y “living comfortably.” Gayunman, 29% naman ang umamin at nakapansin na “quite difficult” o “very difficult” ang mamahala ‘financially.’
At nang tanungin naman ukol sa inflation, sinasabing 44% ng mga Pinoy ang umaasa na aabutin pa ng mahigit isang taon bago ito maging matatag.
Habang 27% naman ang naniniwala na ang inflation ay matatagaaln pa at aabutin pa ng mahigit isang taon bago pa maging normal habang 28% naman ang naniniwala na hindi na ito magiging normal. RNT