Home NATIONWIDE 4H protocol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa panahon ng Habagat binuhay ng...

4H protocol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa panahon ng Habagat binuhay ng DepEd

1
0

MANILA, Philippines – BINUHAY ng Department of Education (DepEd) ang Education in Emergencies framework sa pamamagitan ng 4H protocol nito sa gitna ng suspensyon ng ‘in-person classes.’

Layon nito na protektahan ang mga mag-aaral at guro habang tinitiyak na nagpapatuloy ang pag-aaral.

Ito’y dahil na rin sa mahigit sa 6.5 milyong mag-aaral at 288,967 teaching at non-teaching personnel ang napaulat na apektado ng in-person class suspension.

‘As of Monday,’ may 10,029 eskuwelahan ang nagsuspinde ng face-to-face classes sa gitna ng malakas na ulan dala ng pinalakas na southwest monsoon o “habagat”.

Sa isang kalatas, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na ang 4H protocol, “Hinto, Hinga, Hinay, at Hayo”, naglalayong tiyakin na makapag-aaral habang tinitiyak ang kapakanan at kahandaan ng mga mag-aaral.

“Kapag malakas ang ulan, baha ang daan, o may risk sa safety ng learners at teachers, hindi puwedeng one-size-fits-all ang decision,” ayon kay Angara.

Nilinaw naman ng departamento na ang learning continuity ay hindi nangangahulugan ng “forcing regular academic work during unsafe or highly stressful conditions.”

“Kailangan malinaw ang batayan: ligtas ba, kaya ba, at anong klaseng learning support ang angkop,” aniya pa rin.

“Iyan ang layunin ng 4H framework — gabayan ang schools kung kailan tutuloy, kailan babagalan, kailan hihinga, at kailan kailangang huminto muna,” anito.

Kapag ang kondisyon aniya ay hindi ligtas o kapag ang pangunahing pangangailangan ay nasa panganib, ang “Hinto” ay ina-aplay upang masiguro ang kaligtasan, proteksyon o ang pangunahing pangangailangan ay nanganganib.

Sa antas na ito, ang academic activities ay pansamantalang ihihinto para iprayoridad ang kaligtasan, emergency response, at mahalagang suporta.

“Hinga” ay ginagamit kapag ang mga mag-aaral, guro at school personnel ay kailangan ng oras na makabawi mula sa ‘stress, disruption, o displacement.’

Sa ilalim ng mode na ito,” schools may conduct well-being checks, psychosocial support, and light asynchronous activities. Submissions and regular academic requirements, however, should not be required under “Hinga”.

Gayundin, ang pag-aaral na nagpapatuloy sa isang ‘adjusted at teacher-led manner’ sa gitna ng pagkagambala ay applicable sa ilalim ng “Hinay”.

This works, either through synchronous or asynchronous modalities, with considerations on available resources and connectivity,” ayon sa DepEd.

At para naman sa “Hayo”, ang pag-aaral ay ligtas na maipagpapatuloy sa oras na ang kondisyon ay bumalik na sa normal.

Maliban sa 4H framework, hinikayat ng DepEd ang mga eskuwelahan na mag-update ng kanilang Learning and Service Continuity Plans.

Samantala, ang lahat ng eskuwelahan ay inatasan na makipag-ugnayans a DepEd field offices, local government units, at disaster risk reduction agencies. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here