Home METRO 5-anyos patay sa sinindihang alkohol!

5-anyos patay sa sinindihang alkohol!

MANILA, Philippines- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 5-anyos na lalaki matapos itong masabugan ng sinidihang isang galon na alkohol sa Banna, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima na itinago sa pangalang Cris ang kanyang kapatid habang naglalaro nang kanilang makita ang galon sa basurahan at sinindihan ito.

Dinala pa ang bata sa ospital nang magsuka ito kinaumagahan subalit hindi na umabot nang buhay.

Ligtas naman at nasa maayos na kalagayan ang kapatid ng biktima. Rey Velasco

Previous articlePVL: Thai import Ced Domingo babalik, lalaro sa Akari
Next articleMeralco Bolts ‘di umubra kay Jeremy Lin