Home METRO 5 arestado sa binuwag na drug den sa Cavite

5 arestado sa binuwag na drug den sa Cavite

3
0

MANILA, Philippines – Limang drug personalities na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang lusubin ang lugar na ginagawang drug den sa isinagawang operasyon sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa report, dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 2 (RSET 2), ang pagkakaaresto sa limang kalalakihan na kinilalang sina alyas Rommel, Jeff, Francis, Raymond at Jetro.

Nakumpiska sa mga ito ang tinatayang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱108,800, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12 at 15 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here