Home NATIONWIDE 5 arestado sa pangha-harass sa turistang Colombian sa Makati

5 arestado sa pangha-harass sa turistang Colombian sa Makati

1
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang limang lalaking suspek sa umano’y pangha-harass sa isang babaeng turista mula sa Colombia na naglalakad lamang sa Makati City.

Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Hunyo 8, humingi ng tulong sa pulisya ang 23-anyos na biktima na nakaranas umano ng sexual harassment habang naglalakad sa Barangay Poblacion.

Kasunod nito ay naaresto ang limang lalaking suspek na edad 18 hanggang 23 anyos na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 11313, o kilala bilang Safe Spaces Act o “Bawal Bastos Law.”

“Ang mabilis na pagresponde ng ating mga pulis ay nagpapakita ng ating patuloy na pangako na protektahan ang lahat ng tao sa ating bansa – maging Pilipino man o dayuhan. Walang puwang ang anumang uri ng harassment sa ating mga komunidad, at sisiguraduhin nating agad na matutugunan ang mga ganitong insidente sa paraang naaayon sa batas,” sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Hinimok din niya ang mga biktima at mga witness na agad isumbong ang mga ganitong insidente ng harassment at iba pang krimen sa mga awtoridad.

“Patuloy nating hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan. Ang maagap na pag-uulat ay mahalaga upang agad nating maaksyunan ang mga insidente at mapanagot ang mga lumalabag sa batas habang iginagalang ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng ating legal na proseso,” dagdag ni Nartatez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here